Ni Melrose Manuel
MAY nakalatag ng mekanismo ang Armed Forces of the Philippines (AFP) kung paano ipatutupad ang anti-terrorism law.
Ito’y sakaling ganap nang malagdaan ni Pangulong Rodrigo R. Duterte at mabalangkas na ang Implementing Rules and Regulations (IRR) para rito.
Iginiit ng AFP na wala namang ibang kumokontra sa nasabing panukala kung hindi ang Communist Party of the Philippines (CPP).
Magugunitang binansagan ng AFP ang CPP bilang communist terrorist group na dahil sa ginagawa nilang serye ng mga pag-atake laban sa mga law enforcement group.
Kinakailangan lang na maunawaang maigi ng publiko ang nilalaman ng nasabing panukala at huwag magpapagamit sa propaganda ng mga grupong konektado sa mga komunista.