Ni Melrose Manuel
PAPANGUNAHAN ni Senator Panfilo Lacson ang pagsasagawa ng imbestigasyon at maging ang pagkilos protesta kung sakaling maabuso ang pagpapatupad ng anti-terrorism law.
Ito ang ipinangako ng senador sa gitna ng maraming tumututol at nagsasabing ma-aabuso ang nasabing panukala.
Nanindigan din ang senador na hindi niya papayagan ang sinuman na sirain ang magandang intensyon ng anti-terrorism bill pag maisabatas na ito.
Ang bagong anti-terrorism bill aniya ay naglalaman ng mas marami at sapat na safeguards laban sa pang-aabuso.
Kabilang na ang 10-year jail term at perpetual disqualification mula sa public service para sa mga law enforcers na mag-aaresto sa mga indibidwal na pinaghihinalaang terorista, nang hindi ipinapaalam sa huwis at sa Commission on Human Rights.