Ni Karen David
SA kabila ng pagtutol mula sa iba’t ibang sektor, desidido pa ring lagdaan ni Pangulong Rodrigo R. Duterte ang Anti-Terrorsim Bill.
Ito ang inihayag ni Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque.
Sa ngayon, sinabi ni Roque na nagsasagawa na lamang ng “final look” ang Pangulo sa nasabing batas na principally authored ni Senator Panfilo Lacson, dating Chief ng Philippine National Police (PNP).
Kasalukuyan din aniyang sumasailalim ang batas sa final review ng Office of the Executive Secretary at ng Department of Justice (DOJ).
Ang Anti-Terrorism Bill na nasa Malacañang na noon pang Hunyo 9 kung saan layong palitan ang Human Security Act na kasalukuyang umiiral na batas laban sa terorismo.