Ni Melrose Manuel
PINANGUNAHAN ni Kawit, Cavite Mayor Angelo Aguinaldo, apo sa tuhod ni dating Pangulong Emilio Aguinaldo ang paggunita sa Ika-122 Araw ng Kalayaan sa makasaysayang Aguinaldo Shrine sa Kawit, Cavite.
Kasabay ng panggunita ng kalayaan ng bansa, kinilala rin ng alkalde ang kabayanihan ng mga frontliners na lumalaban sa COVID-19.
Inihalintulad nito ang pakikipaglaban ng ating mga ninuno para makamit ang kalayaan ang pagsasakripisyo ng mga frontliners para sa kaligtasan ng mamamayang Pilipino sa banta ng COVID-19 pandemic.
Maliban sa makasaysayang Aguinaldo Shrine ay ginugunita rin ngayong araw sa iba pang mga historical sites ang Araw ng Kalayaan.