Angel Pastor
NAGSIMULA na sa kanyang training bilang army reservist ng Philippine Air Force ang aktres na si Arci Munoz.
Sa Instagram post ni Arci, ibinahagi nito noong Independence Day ang kanyang mga larawan habang nasa pagsasanay.
Sinabi ni Muñoz na siya ang kauna-unahang babaeng aktres sa kanyang henerasyon na sumailalim sa Basic Citizen Military Training ng Philippine Air Force.
Hinihikayat din nito ang mga kapwa kababaihan na mag enlist sa naturang training.
Nagpapasalamat naman ang aktres sa kanyang Philippine Air Force family dahil sa buong pusong didikasyon at serbisyo sa bayan.
Kasama rin sa training ang aktor na si JM De Guzman, na sinimulan ang kanyang reservist training noong Marso.