Ni MJ Mondejar
PINATATANGGAL ni Deputy Speaker Lray Villafuerte sa Department of Social Welfare and Development o DSWD ang barcode na inilagay sa Social Amelioration Program o SAP form.
Ayon kay Villafuerte, hindi naman natugunan ng barcode ang isyu ng double payout at mabilis na pamamahagi ng ayuda.
Giit pa nito na wala namang barcode readers ang ilan sa mga distribution sites ng SAP cash aid at mano-manong sinusuri ng mga taga gobyerno ang pangalan ng bawat benepisyaryo.
Kaya naman panawagan nito na tanggalin na lamang ang barcode sa SAP form na nagiging hadlang sa implementasyon ng programa.
Nauna namang kinumpirma ni Social Welfare Undersecretary Danilo Pamonag na may kaso ng double payouts sa SAP kahit na may barcode feature ang SAP form.