Ni Jao Gregorio
MAHIGPIT na pinapabantayan ni Senator Risa Hontiveros sa Philippine National Police at National Bureau of Investigation ang implementasyon ng ‘Bawal Bastos’ Law sa panahon ng pandemiya.
Ito ay kasunod ng lumabas na report mula sa Commission on Human Rights na tumaas ang sexual harassment online sa panahon ng COVID-19 lockdown.
Ani Hontiveros dapat mahuli at maparusahan ang mga online harasser at predators.
Dapat din aniya malinawan ang mga kababaihan na nakasaad sa Safe Spaces Act o Republic Act No. 11313 ang pagbibigay sa kanila ng proteksyon sa kahit anumang uri ng pambabastos kagaya na lamang ng mga sexist at homophobic comments online.
Dagdag pa ng principal author ng bill na ang sinumang mapatutunayang lumabag sa naturang batas ay maaaring makulong ng hanggang anim na taon at pagmumultahin ng hindi bababa sa isandaang libong piso.