NI: MELROSE MANUEL
IBINAHAGI ni Bea Alonzo ang mga bagong aktibidad na natutunan at pinagkakaabalahan niya ngayong panahon ng lockdown.
Sa Instagram, ikinuwento ni Alonzo na nahilig siya sa pag-alaga at pagpipinta ng mga halaman.
Ito na muna aniya ang nagsisilbing creative outlet niya mula nang matigil sa pag-arte dahil sa pandemic.
Bukod sa pagpipinta, naging abala rin ang aktres ngayong lockdown sa pangangasiwa sa I Am Hope na isang organisasyong namamahagi ng tulong sa mga naapektuhan ng lockdown at mga pangangailangan ng mga frontline worker.