Ni Pat Fulo
Sisiguraduhin ng Department of Transportation (DOTr) na magiging ligtas ang bike lanes sa kahabaan ng EDSA.
Ito ay para sa mga magnanais na gumamit ng bisekleta bilang alternatibong transportasyon gayong limitado ang byahe ng mga pampublikong sasakyan.
Tiniyak ni DOTr Road Sector Senior Consultant Engr., Bert Suansing na lalagyan nila ng fenders o guard rails ang naturang bike lane upang maiwasan ang pagdaan dito ng mga sasakyan.
Ayon pa kay Suansing, magsisilbing bike lane ang binakanteng bus lane matapos na ilipat ang daanan ng bus sa innermost lane katabi ng MRT line.
Sa ngayon ay nakikipag-ugnayan na ang DOTr sa MMDA, LGUs at iba pang ahensya ng pamahalaan para sa pagsasaayos ng bike lane sa EDSA.