Ni Arjay Adan
NAGPOSITIBO na rin si Borna Coric sa coronavirus disease matapos na makilahok sa exhibition event sa Croatia.
Si Coric na ang pangalawang tennis player na tinamaan ng COVID-19.
Si Coric ang isa sa mga dose-dosenang isinailalim sa test matapos na magpositibo sa virus si Grigor Dimitroov matapos na makilahok sa nasabing exhibition.
Sa kanyang official twitter account ay kinumpirma rin ni Coric na positibo siya sa sakit at nanawagan din ito na magpa-test ang lahat ng indibidwal na kanyang nakasalamuha sa mga nakalipas na araw.
Matatandaan na nakalaro pa ni Dimitrov si Coric sa Adriatic Resort sa Zadar, Croatia noong nakaraang Sabado.