Ni Justine Nazario
MAGBIBIGAY ng 10 million pounds ang British rapper na si Stormzy sa Black Lives Matter Movement bilang tulong na mapatigil ang racial system act.
Sinabi ni Stormzy na kailangang labanan ang racist system at wakasan na ang pang-aalipusta sa mga Black people na tulad niya.
Matatandaan na umusbong ang usapin ng rasismo nang mamatay si George Floyd sa kamay ng mga otoridad.
Nagising ang lahat ng mga puso ng mga Black people at nagsagawa ng kilos protesta para iparating sa mundo na dapat tigilan na ang racist act.
Samantala, magugunita naman na marami na ring mga kilalang personalidad ang sumuporta din sa BLM movement tulad ng BTS.