Ni Justine Nazario
NAGPAKITA ng suporta ang South Korean boy group na BTS sa Black Lives Matter (BLM) Movement sa Amerika sa pamamagitan ng pagbibigay ng $1-M na donasyon.
Dahil dito nagbigay din ang kanilang fans o mas kilala bilang ARMY ng $1-M din na donasyon para sa nasabing movement. May kabuuan na $2-M ang naibigay ng artist at fans nito.
Matatandaan na nagsimula ang kilos protesta na ito nang mamatay si George Floyd sa kamay ng isang police officer sa Minneapolis.
Layunin ng BLM Movement na iparating sa buong mundo na itigil na ang racism at dapat maging pantay ang karapatan ng lahat.
Samantala, umabot narin sa ibang bansa ang BLM Movement tulad ng United Kingdom, France, Australia, Spain, at Italy.