NI: VHAL DIVINAGRACIA
NAGPALIWANAG ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mas kakaunting bus stops na ipinatutupad sa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) kung saan nagkaroon ng pagkalito sa mga pasahero sa unang araw ng pagsasailalim sa GCQ ng Metro Manila.
Ayon kay LTFRB Chairman Martin Delgra III, mula sa 96 na ruta bago ang COVID-19, ngayon ay 31 nalang ang mga ito.
Hindi rin maaaring mag-load o mag-unload ng mga pasahero sa gitna ng mga bagong itinalagang bus stops. Mas mapapadali naman ani Delgra na makaikot ang mga bus at hindi na masyadong maantala pa ang mga commuters.
Ang nasabing hakbang ay bunsod na rin sa mga health protocols sa ilalim ng GCQ.