Ni: Vic Tahud
POSITIBO si Department of Health Sec. Francisco Duque III na masusunod na ang utos ni Pangulong Rodrigo R. Duterte na maipamahagi na ang ayuda para sa mga health workers na nasawi at nagkasakit dahil sa pakikipaglaban sa COVID-19.
Binigyan ng Pangulo ng hanggang Hunyo a-9 ang kagawaran bilang deadline sa nasabing utos.
Ani Duque, inatasan na niya ang kaniyang mga nasasakupan na kumilos na at ipamahagi na ang mga tulong.