Ni Justine Nazario
IBINIBIDA ni 2018 Miss Universe Catriona Magnayon Gray ang sariling produkto ng bansa partikular ang tatlong Filipino fabrics na inabel, inaul, at yakan mask.
Sa kanyang Instagram, patok ang pagterno ni Catriona sa kanyang make up at sa choice of hand woven face mask nito.
Una nang nag-showdown ang ilang Miss Earth-Philippines candidates ngayong taon sa pag-produce ng face shield na gawa lamang sa recycled materials.
Para kay Tsina Jade Chu na pambato ng Iloilo, hindi lahat ay afford na makabili ng protective gear kaya may “eco-friendly” suggestion ito na subukan ang mga plastic bottles bilang face shield.
Sa mga larawan ng Ilongga bet sa Miss Earth Philippines, makikitang ginupit nito ang tuktok na bahagi ng malaking plastic bottle bago ito tila ibinuka at tinahian ng tela sa gilid upang mawala ang mga matatalim na texture.
Ang naturang paggawa ng face mask ay bilang proteksyon na rin sa banta ng COVID-19 pandemic.