NI: MELROSE MANUEL
NAKIISA si Miss Universe 2018 Catriona Gray sa mga panawagan ng laban sa anti-racism pagkatapos ang pagkamatay ng Black American na si George Floyd sa Estados Unidos.
Ayon kay Catriona, ang karahasan ay hindi kailanman sagot sa problema. Ngunit aniya, kung ang pagsasalita laban sa kung ano sa tingin mo ay mali ay maaaring magdulot ng kasamaan dahil sa patuloy na nangyayaring kilos-protesta sa Amerika.
Dagdag pa nito, ang racism ay hindi lamang problema ng isang bansa, kundi ito ay isang world issue kaya’t turuan aniya natin ang ating sarili na ipaglaban ang hustisya sa maayos na pamamaraan dahil sa maling hakbang at mas maraming buhay ang mapapahamak.
Ibinahagi ni Gray sa Instagram ang isang quote mula sa American poet at activist na si Cleo Wade na “The voice within you that says, ‘this is not okay’ is a direct call from the basic goodness of your spirit”.
Ginamit naman na hashtag ng Beauty Queen ang #black lives matter at binanggit ang mga pangalan nina Breonna Taylor, Ahmaud Arbery at George Floyd na namatay dahil umano sa racism.