Ni Karen David
NAKAPAGTALA ng 25 na bagong kaso ng COVID-19 ang lalawigan ng Cavite.
Sa Facebook post, sinabi ni Governor Jonvic Remulla na ito na ang pinakamalaking naitalang bagong kaso sa probinsya sa nakalipas na labing limang linggo.
Ayon kay Remulla, mayroon na ngayon ang Cavite ng kabuuang 538 COVID-19 cases. Nasa 308 aniya dito ang active cases, 194 ang nakarekober na at 36 ang mga nasawi.
Samantala, sinabi ni Remulla na labing tatlong pulis rin ang nagpositibo sa virus kaya panawagan nito sa kanyang mga kinasasakupan na sumunod sa mga patakaran bilang pagkilala at pagrespeto sa sakripisyo ng mga frontliner.