Ni Vic Tahud
UMABOT na sa 7,156 kabuuang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong probinsya ng Cebu.
Ito ang kinumpirma ng Cebu Provincial Health Office kung saan nasa mahigit apat na libo pa ang aktibong kaso ng COVID-19 at mayroong mahigit dalawang libong bagong kaso ng COVID-19.
Mahigit kalahating porsyento sa kabuuang kaso ng probinsya ay mula sa Cebu City na aabot sa mahigit apat na libo ang kumpirmadong kaso ng COVID-19.
Sa ngayon, nasa labing dalawang barangay ang sa Cebu City ang tinaguriang COVID-19 hotspots at isasailalim sa strict lockdown.