Ni Angel Pastor
IPINAGMALAKI ng award-winning singer at actor na si Mark Bautista na naibenta ang lahat ng kanyang mga paintings na bahagi ng shop and share celebrity campaign.
Sinabi ni Christian na dahil nasira ang kaniyang laptop at hindi siya makabahagi sa ilang mga online benefit concerts ay nag-isip siya ng ibang paraan para makatulong sa mga apektado ng COVID-19 pandemic.
Naibenta ng singer ang sampu sa kanyang mga sariling paintings at umabot sa P410,000 ang kinita nito.
Ang pondong nalikom ay mapupunta sa Shop and Share na pinangungunahan ni Angel Locsin.
Natutuwa rin ito dahil naibenta niya ang lahat ng kanyang mga paintings at nakagawa siya muli ng isang panibagong obra na natapos niya sa kasagsagan ng quarantine.