Ni Melrose Manuel
IPINAG-UTOS ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte kay Environment Secretary Roy Cimatu na tumungo sa Cebu City upang pamunuan ang COVID-19 task force doon at gumawa ng rekomendasyon kung papaano tutugunan ng gobyerno ang patuloy na pagsirit ng kaso ng COVID-19 cases sa naturang syudad.
Sa isang public address, sinabi ni Duterte na mag-iisyu siya ng executive order na magtatalaga kay Cimatu na pangasiwaan ang COVID-19 situation sa Cebu.
Kaugnay nito, malugod namang tinanggap ni Secretary Cimatu ang pagkakatalaga sa kanya at pinasalamatan si Pangulong Duterte sa ibinigay na oportunidad na i-oversee ang Cebu City at nangakong gagawin nito ang lahat ng kanyang makakaya.
Mababatid na sa kabila ng pagluwag ng community quarantine sa ibang bahagi ng Pilipinas nitong June 15, nananatili naman ang Cebu City sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) mula June 16 hanggang June 30.
Ito ay dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang mga bagong kaso at mabilis na pagkalat ng covid-19 sa halos lahat ng mga barangay sa Cebu City, ayon sa Inter-Agency Task Force (IATF).