Ni Karen David
BINUKSAN na ngayong araw ang Convalescent Plasma Donation Center ng DOH Philippine Blood Center.
Ito ay para sa mga survivor ng COVID-19 na nais mag-donate ng plasma ng kanilang dugo.
Kabilang naman sa nag-donate ng kanyang plasma si Health Undersecretary Gerardo Bayugo na nagpositibo sa COVID-19 noong Marso.
Una nang hinimok ng DOH ang mga COVID-19 survivor na mag-donate ng kanilang plasma para makatulong sa mga kasalukuyang lumalaban sa sakit.