Ni Melrose Manuel
MAS lumalala ang sitwasyon ng coronavirus pandemic sa buong mundo.
Sinabi ni World Health Organization Director General Tedros Adhanom Ghebreyesus na ang pagbalewala o “complacency” ang itinuturong dahilan sa paglubha ng sitwasyon.
Sinabi pa ng WHO, na nasa mahigit sa 136,000 kaso ang naiulat na pinakamataas na bilang sa loob lamang ng isang araw.
Ipinunto rin ni Ghebreyesus na mahigit anim na buwan na ang pandemic at hindi ito ang tamang oras para tumigil na ang mga bansa sa paglaban ng virus.