Ni Vic Tahud
HINDI pa tiyak kung kailan matatapos ng mga eksperto ang
pagdiskubre at paggawa ng vaccine laban sa COVID-19.
Ito ang kinumpirma ng World Health Organization Director General Tedros Adhanum Ghebreyesus kung saan posible pa aniyang magtagal ng isa pang taon bago makadiskubre ng vaccine.
Ayon sa WHO, hindi madaling sabihin na mayroon na tayong gamot laban sa nasabing virus. Dagdag pa ng WHO, mayroon ng isangdaang mga gamot na patuloy na pinag-aaralan kontra COVID-19.