Kathy Villanueva
HINDI pa tiyak kung ipagpapatuloy ang umiiral na General Community Quarantine (GCQ) sa Davao City o magsi-shift na ito sa Modified General Community Quarantine (MGCQ).
Ayon kay Mayor Inday Sara, nakasalalay sa Inter-Agency Task Force ang pag-assign ng klase ng quarantine na ipatutupad sa buong Davao City matapos ang isasagawa nitong assessment.
Bagama’t wala pa siyang natatanggap na impormasyon mula sa IATF patungkol rito ay naghahanda na ang lokal na pamahalaan sakali’t ilagay sa MGCQ ang lungsod.
Kasabay nito’y ipinunto ng alkalde na wala naman masyadong pagkakaiba ang GCQ at MGCQ- yun nga lang ay mas marami nang establisyemento ang pwede nang makapag-operate kasabay ng pagbabalik-trabaho ng mas marami ring mga manggagawa.