Ni Jao Gregorio
NAPAPANAHON na ayon kay Senator Sherwin Gatchalian na paigtingin ang digital economy sa bansa.
Kailangan na rin ani Gatchalian na makipagsabayan ang information and communication technology ng bansa.
Aniya kailangan nang kumilos ng pamahalaan patungkol dito dahil hindi gaanong naaasahan ang internet sa bansa pero nagbabayad ng malaki ang taumbayan.
Kasunod nito ay napapanahon na rin aniya na gawing batas ang Foreign Investments Act na hihikayat sa mga foreign venture na mag-invest sa bansa lalo na sa communication sector.
Ngayon kasi ang Globe Telecoms at Smart/PLDT pa lamang ang dominanteng internet at communication service providers ng bansa at hindi pa rin nagsisimula ang third telco sa kanilang operasyon.
Aniya, napaka importante ng ICT sa panahon ng pandemya na kung saan ang lahat ay nakadepende na sa internet dahil sa restriktong galaw.