Ni Vhal Divinagracia
PINABULAANAN ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang ulat na isinailalim ang buong Central Visayas sa Enhanced Community Quarantine.
Sa isang pahayag, nilinaw ni DILG Sec. Eduardo Año na ang Cebu City lang ang ibinalik sa naturang quarantine status.
Nauna nang inanunsyo ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na maibabalik sa ECQ ang Cebu bunsod na rin sa rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force dahil sa mataas na bilang ng COVID-19 cases.
Sa kasalukuyan, mahigit apat na libo ang naitalang kaso ng nakamamatay na sakit sa Cebu City.