NI PASTOR APOLLO C. QUIBOLOY
NAGPAPASALAMAT ako sa Ama na narito tayo sa estado na ito ngayon at binigyan tayo ng Ama ng ministeryong ganito. At bibigyan din Niya tayo ng lakas at kakayahan upang mapagtagumpayan at magiging mananagumpay sa mga bagay na kinakaharap natin ngayon sa mundong ito. At alam natin na ang kapangyarihan ni Satanas ay humihina at mawawala pagkatapos nito, lalo na kung ang kamatayan ay mapagtagumpayan. Ang huling kaaway na gagapiin ay ang kamatayan.
Mga Taga-Galacia 4:1-7
1Nguni’t sinasabi ko na samantalang ang tagapagmana ay bata, ay walang pagkakaibang anoman sa alipin bagama’t siya’y panginoon ng lahat;
2Datapuwa’t nasa ilalim ng mga tagapagampon at ng mga tagapangasiwa hanggang sa panahong itinakda ng ama.
3Gayon din naman tayo, nang tayo’y mga bata pa, tayo’y nasasakop ng pagkaalipin sa ilalim ng mga pasimulang aral ng sanglibutan.
4Datapuwa’t nang dumating ang kapanahunan, ay sinugo ng Dios ang kaniyang Anak, na ipinanganak ng isang babae, na ipinanganak sa ilalim ng kautusan,
5Upang matubos niya ang nangasa ilalim ng kautusan, upang matanggap natin ang pagkukupkop sa mga anak.
6At sapagka’t kayo’y mga anak, ay sinugo ng Dios ang Espiritu ng kaniyang Anak sa ating mga puso, na sumisigaw, Abba, Ama.
7Ano pa’t hindi ka na alipin, kundi anak; at kung anak, ay tagapagmana ka nga sa pamamagitan ng Dios.
ANG ESPIRITUWAL NA DIMENSYON NG DOMINYON AT AWTORIDAD
Kapag ang Anak ay ganap nang lumago, nakikibahagi na siya sa banal na katangian ng kaluwalhatian, karangalan at kapangyarihan ng Ama. Ang kanyang pananaw ay nagbabago na sa pamamagitan ng pananampalataya, maaari na siyang mag-utos at ito ay mangyayari.
2 Pedro 1:3-4
3 Yamang ipinagkaloob sa atin ng kaniyang banal na kapangyarihan ang lahat ng mga bagay na nauukol sa kabuhayan at sa kabanalan, sa pamamagitan ng pagkakilala sa kaniya na tumawag sa atin sa pamamagitan ng kaniyang sariling kaluwalhatian at kagalingan;
4 Na dahil dito ay ipinagkaloob niya sa atin ang kaniyang mahahalaga at napakadakilang pangako; upang sa pamamagitan ng mga ito ay makabahagi kayo sa kabanalang mula sa Dios, yamang nakatanan sa kabulukang nasa sanglibutan dahil sa masamang pita.
Juan 16:15
15 Ang lahat ng mga bagay na nasa Ama ay akin: kaya sinabi ko, na siya’y kukuha sa nasa akin, at sa inyo’y ipahahayag.
Ako ang may-ari ng uniberso ngayon, at kayong lahat, kasama na ang mga mang-uusig, alam ninyo yan. Iyon ang dahilan kung bakit may lindol, ano ang sasabihin mo? “Oh, galit si Quiboloy, pinindot niya ang vibrator ng mundo, kaya nagkalindol.
Juan 17:10
10 At ang lahat ng mga bagay ay iyo, at ang mga iyo ay akin: at ako’y lumuluwalhati sa kanila.
Masasabi mo lamang yan kapag ikaw ay naging isang anak o isang anak na babae ng Ama na Makapangyarihan sa lahat. Ang lahat ng bagay na mayroon ang Ama ay akin. Ano ang mayroon Siya? Lahat. Nilikha niya ang mundo at kung ang mundo ay mapupunta na sa ating mga kamay, magiging paraiso itong mundo. Tingnan ninyo ang bumagsak na lahi ni Adan, kung ano ang kanilang ginawa sa mundo. Ginawa nilang impiyerno ang paraiso na ito, saan man ka pupunta, lalo na dito sa ating bansa. Sinira nila ang planeta sa lupa. Kapag naisakatuparan na, na ang mundong ito sa loob ng 1,000 taon ay mapapasakamay na ng mga niluwalhati, sa loob ng 1,000 na taon, gagawin natin ang mundong ito na naaayon sa orihinal na plano ng Ama mula pa sa simula – isang paraiso para sa lahat ng mga tao sa mundo. GANAP NA GLORIPIKASYONKapag darating ang takdang oras, ang gloripikasyon ay papasok at ang ating mga mortal na katawan ay lubos na papalitan ng imortalidad. Ngayon, ang hindi mawawala ay ang Salita ng Diyos. Ipinanganak ka sa pamamagitan ng binhi na hindi maaaring mawala. Ito ang Salita ng Diyos na nagsisimula ng napakaliit sa iyo. Lumalaki ito nang tulad ng isang puno ng balete.Ito ay lumalago araw-araw hanggang sa lalamunin itong may kasiraan. Hanggang sa ang maliit na bagay na ito na nagpasimula sa iyo bilang espiritwal na buhay ay lalabas at kakainin ang may kasiraan. At pagkagising mo isang araw, pupunta ka sa iyong banyo upang magsipilyo ng iyong mga ngipin at nakalimutan mong buksan ang pinto ngunit ikaw ay nakarating sa banyo. Wow! “Ano ang nangyayari sa akin?” Paulit-ulit mo itong susubukan at ito ay nagagawa mo. (Itutuloy)