NI PASTOR APOLLO C. QUIBOLOY
ANG tunay na rapture ay magaganap. Ang mga walang kamatayang katawan lamang ang makakaakyat sa langit. Maling sabihing, “Kapag ang trumpeta ay tumunog, kami na tinawag na mga Kristiyano sa pangalan ay aakyat sa langit.” Hindi ka nga naniniwala sa Holy One at ikaw ay aakyat? Hindi mo nga rin sinusunod ang Kanyang mga Salita at nais mong umakyat sa langit? Yan ang dahilan kung bakit ang inaasahan mong ikaw ay makakapunta sa langit ay hindi nangyari. Mangyayari lamang ito kung ikaw ay muling ipinanganak sa espiritu at dumaan ka sa mga dimensiyon na ito ng pananampalataya, hanggang ang gloripikasyon ay mangyayari.
2 Corinto 5:2-4
2Sapagka’t tunay na sa ganito kami ay nagsisihibik, na nangagnanasang mabihisan kami ng aming tahanang mula sa langit:
3Na kung mabihisan nga kami niyaon ay hindi kami mangasusumpungang hubad.
4Sapagka’t tunay na kaming nangasa tabernakulong ito ay nagsisihibik, na nangabibigatan; hindi sa ninanasa naming maging hubad, kundi ninanasa naming kami’y bihisan, upang ang may kamatayan ay lamunin ng buhay.
1 Mga Taga-Corinto 15:42-44
42Gayon din naman ang pagkabuhay na maguli ng mga patay. Itinatanim na may kasiraan; binubuhay na maguli na walang kasiraan;
43Itinatanim na may pagkasiphayo; binubuhay na maguli na may kaluwalhatian: itinatanim na may kahinaan; binubuhay na maguli na may kapangyarihan:
44Itinatanim na may katawang ukol sa lupa; binubuhay na maguli na katawang ukol sa espiritu. Kung may katawang ukol sa lupa ay may katawang ukol sa espiritu naman.
Kaya kung itong ating likas na katangian ay ganap nang papalitan ng espirituwal, lahat ng yun ay mangyayari. Tunay ka ngang ipinanganak muli sa espiritu.
Maaari ka na ngayong makakapunta nang walang limitasyon tulad ng iyong Ama. At kung ang mga naluwalhating katawan ang maghahari sa lupa, alam mo kung ano ang mangyayari? Ang Makapangyarihang Diyos ay maluluwalhati sa atin.
Mga Filipos 3:20-21
20 Sapagka’t ang ating pagkamamamayan ay nasa langit; mula doon ay hinihintay naman natin ang Tagapagligtas, ang Panginoong Jesucristo:
21 Na siyang magbabago ng katawan ng ating pagkamababa, upang maging katulad ng katawan ng kaniyang kaluwalhatian, ayon sa paggawa na maipagpapasuko niya sa lahat ng mga bagay sa kaniya.
Kaya’t kapag nangyari iyon, ang kaligtasan ay makukumpleto na. Ang buhay na walang hanggan ay magiging iyo sapagkat ang mga walang kamatayang katawan ay hindi na mamamatay.
At makakasama natin ang Ama sa sandaling iyon. At kung ang Kanyang plano para sa isang libong taon na paghahari ay mangyayari, lahat tayo na sumunod sa Kanya ay makikibahagi sa banal na katangian, tayo ay makakagawa pa ng maraming bagay.
Magkakaroon ng isang libong taon ng kapayapaan sapagkat susundan ng lahat ng tao ang landas na iyon at ang orihinal na plano ng Ama mula pa sa pasimula.
Kung gayon, ang kaligtasan ay makukumpleto; at tayo ay patungo sa mga dimensiyon ng pananampalataya na iyon.
Inaasahan ko na ang mga taong nakikinig sa akin ay nauunawaan ito dahil kung hindi ka espirituwal, lahat ng mga bagay na pinag-uusapan ko ay magiging kamangmangan sa iyo; kung ikaw ay nasa natural na katangian o pag-iisip lamang. Hindi ba niya sinabi iyon?
1 Mga Taga-Corinto 2:14-16
14 Nguni’t ang taong ayon sa laman ay hindi tumatanggap ng mga bagay ng Espiritu ng Dios: sapagka’t ang mga ito ay kamangmangan sa kaniya; at hindi niya nauunawa, sapagka’t ang mga yaon ay sinisiyasat ayon sa Espiritu.
15 Nguni’t ang sa espiritu ay nagsisiyasat sa lahat ng mga bagay, at siya’y hindi sinisiyasat ng sinoman.
16 Sapagka’t sino ang nakakilala ng pagiisip ng Panginoon, upang siya’y turuan niya? Datapuwa’t nasa atin ang pagiisip ni Cristo.
“Ngunit ang taong likas ay hindi tumatanggap ng mga bagay ng Espiritu ng Diyos sapagka’t sila ay kamangmangan sa Kaniya, ni hindi Niya nakikilala ang mga ito, sapagkat ang mga ito ay bulag sa espirituwal.
(Wakas)