NI PASTOR APOLLO C. QUIBOLOY
NGAYON, nauunawaan mo na ang mga naunang antas ng dimensyon kaya tinutupad mo ito. Ngunit hindi iyon sapat. Ikaw ay dadaan sa bawtismu sa apoy, susubukan ng apoy ang bawat gawa ng tao kung anong uri ito. Ang iyong pag-amin ng, “Panginoon, mahal kita. Panginoon, susundin ko ang Iyong Kalooban.” Kapag walang apoy, yan ay napakadaling sabihin.
Ngunit kung may apoy at nasa gitna ka ng apoy tulad ng tatlong lalakeng Hebreo, madali ba para sa iyo na sabihing, “Panginoon, gagawin ko ang Iyong Kalooban.” Madali ba ito? Mahirap di ba? Iyan ay susubok sa iyo kung ikaw ba ay kahoy, dayami o tuod.
1 Mga Taga 3:10-15
10 Ayon sa biyaya ng Dios na ibinigay sa akin, na tulad sa matalinong tagapagtayo ay inilagay ko ang pinagsasaligan; at iba ang nagtatayo sa ibabaw nito. Nguni’t ingatan ng bawa’t tao kung paano ang pagtatayo niya sa ibabaw nito.
11 Sapagka’t sinoman ay hindi makapaglalagay ng ibang pinagsasaligan, kundi ang nalalagay na, na ito’y si Cristo Jesus.
12 Datapuwa’t kung ang sinoma’y magtatayo sa ibabaw ng pinagsasaligang ito ng ginto, pilak, mga mahahalagang bato, kahoy, tuyong dayami;
13 Ang gawa ng bawa’t isa ay mahahayag: sapagka’t ang araw ang magsasaysay, sapagka’t sa pamamagitan ng apoy inihahayag; at ang apoy rin ang susubok sa gawa ng bawa’t isa kung ano yaon.
14 Kung ang gawa ng sinoman ay manatili, na kaniyang itinayo sa ibabaw niyaon, siya’y tatanggap ng kagantihan.
15 Kung ang gawa ng sinoman ay masunog, ay malulugi siya: nguni’t siya sa kaniyang sarili ay maliligtas; gayon ma’y tulad sa pamamagitan ng apoy.
Kaya iyong kaibiganin ang apoy. Huwag mo itong iwasan. Tingnan mo ang isang tagagawa ng mga palayok, kaldero at mga sisidlan na gawa sa luwad, hindi sapat na nabuo ang luwad. “Oh, nabuo ko na, matigas na ito, sapat na ito.”
Hindi! Pagkatapos nito ay ang pagsasalang sa apoy para sa mga lupa at sisidlan. Ilalagay ang mga ito sa 180˚ na apoy.
Kung ikaw ang luwad na iyon, ano ang sasabihin mo? “Ang init!” Ngunit kapag ito ay iyong nalampasan, ikaw ay aalisin na duon, maaari ka nang maging kapaki-pakinabang dahil ikaw ay gagamitin na sa pagluluto, para sa may-ari at magluto ng kanyang pagkain at ikaw ay laging susunugin sa araw-araw.
Ang apoy ay palaging umaapoy sa ilalim mo. Ngunit ikaw ay magiging kapaki-pakinabang. Hindi ka masisira dahil nalampasan mo ito. Kaya mga mamamayan ng Kaharian, huwag iwasan ang apoy.
Sa espirituwal na pagsasalita, ano ang apoy? “Roma 8 … ito ang sinasabi tungkol sa apoy: Kung may bagay na makapaghihiwalay sa iyo, makakasakit sa iyo, makapagpapalamig, yan ay apoy, yan ay ang apoy ng kapagsubukan.
Kaya, kung ikaw ay nahiwalay, kung gayon ikaw ay gawa sa kahoy. Kung ikaw naman ay nasunog, ikaw ay gawa sa dayami, tuod, at kahoy. Ang iyong pagkumpisal ay hindi totoo.
Ngunit kung ikaw ay manatili kahit ikaw ay sinusubukan sa apoy, ikaw ay ginto dahil ang ginto ay natutunaw, ngunit ito ay hindi mawawala; bagkus ito ay magpapadalisay.
Sino ang maghiwalay sa atin sa pag-ibig ni Cristo? ang pagdurusa?
Ang pagdurusa ay isang apoy.
… o pagkabalisa, o pag-uusig, o gutom, o kahubaran, o panganib, o tabak?
Lahat ng ito ay apoy. Gaano karaming mga tao na gusto akong mabilanggo? Marami. Gaano karaming mga tao ang gusto na ako ay mamatay? Marami. Kahit sa social media, gumawa na sila ng aking kabaong, ako ay nasa loob ng kabaong na yon. Maging sa larawan lamang, nais nilang ako ay patay na. Ngunit iyon lamang ang panalangin na hindi sasagutin ng Ama. Kayong mga nang-uusig?
Taga Roma 8:35-39
35Sino ang maghihiwalay sa atin sa pagibig ni Cristo? ang kapighatian, o ang kahapisan, o ang paguusig, o ang kagutom, o ang kahubaran, o ang panganib, o ang tabak?
36Gaya ng nasusulat, Dahil sa iyo kami’y pinapatay sa buong araw; Kami ay nabilang na parang mga tupa sa patayan.
37Hindi, kundi sa lahat ng mga bagay na ito tayo’y higit pa sa mga mapagtagumpay sa pamamagitan niyaong sa atin ay umibig.
38Sapagka’t ako’y naniniwalang lubos, na kahit ang kamatayan man, kahit ang buhay, kahit ang mga anghel, kahit ang mga pamunuan, kahit ang mga bagay na kasalukuyan, kahit ang mga bagay na darating, kahit ang mga kapangyarihan,
39Kahit ang kataasan, kahit ang kababaan, kahit ang alin mang ibang nilalang, ay hindi makapaghihiwalay sa atin sa pagibig ng Dios, na nasa kay Cristo Jesus na Panginoon natin.
Anim na taon ako sa dalawang bundok, ngunit narito pa rin ako. At palaging may apoy sa ilalim ko, sa harap ko, sa aking tabi, ito ay nakapalibot sa akin, lahat ng apoy na ito, mahal ko ito.
Tulad ako ng tatlong mga lalakeng Hebreo na nasa gitna ng nagniningas na pugon. Ito ay sobrang init sa labas, ngunit may aircondition sa loob. Kumportable ako. Huwag kang magalala sa akin.
Kaya, matutunan mo ang pagsusunod sa mga bagay na iyong pagdurusa. Palaging may ganitong sakripisyo sa loob ng Kaharian. Laging may ganitong elemento ng pagpapakumbaba sa Kaharian.
”Alam mo kung bakit marami sa Kaharian ang hindi nagtapos? Marami ang magpapahiya sa atin. At maraming nagsasabi, “Oh … ang mga tao sa Kaharian, hindi sila propesyonal. Walang mga pinag-aralan. Alam mo kung bakit? Ito ang katuparan ng Kasulatan. 1 Mga Taga-Corinto 1. Ito ang katuparan ng Kasulatan. Iyon ang dahilan kung bakit ang mga miyembro na sumusunod sa akin, milyon-milyon sa kanila, hindi mo alam na sila ay (kahit na sila ay mga propesyonal), mukhang hindi sila mga propesyonal dahil nagpapakumbaba sila.
Hindi ang kanilang propesyon ang kanilang ipinagmamalaki. Ang kanilang espirituwal na buhay ang sa kanila ay nakikita na ngayon. Maaring ang nakaupo sa tabi mo ay isang doktor, isang abogado, ngunit hindi mo maisip na siya ay isang abogado o isang doktor, isang arkitekto o enhinyero.
Siya ay kasingbaba at mapagpakumbaba katulad mo, na nakatira sa mga mahihirap na lugar ng lungsod, na hindi nakakaalam ng mga titik at hindi intelektwal. Alam mo kung bakit? Ito ang katuparan ng Kasulatan. 1 Mga Taga-Corinto, ang mga hangal na bagay sa mundo upang malito ang marunong; at pinili ng Diyos ang mga mahina na bagay sa mundo upang malito ang mga bagay na makapangyarihan;
1 Mga Taga-Corinto 1:25-29
25Sapagka’t ang kamangmangan ng Dios ay lalong marunong kay sa mga tao; at ang kahinaan ng Dios ay lalong malakas kay sa mga tao.
26Sapagka’t masdan ninyo ang sa inyo’y pagkatawag, mga kapatid, na hindi ang maraming marurunong ayon sa laman, hindi ang maraming may kapangyarihan, hindi ang maraming mahal na tao ang mga tinawag:
27Kundi pinili ng Dios ang mga bagay na kamangmangan ng sanglibutan, upang hiyain niya ang mga marurunong; at pinili ng Dios ang mga bagay na mahihina ng sanglibutan, upang hiyain niya ang mga bagay na malalakas;
28At ang mga bagay na mababa ng sanglibutan, at ang mga bagay na hinamak, ang pinili ng Dios, oo at ang mga bagay na walang halaga upang mawalang halaga ang mga bagay na mahahalaga:
29Upang walang laman na magmapuri sa harapan ng Dios.
Ito ay nakapagluluwalhati sa Diyos sapagkat ikaw ay napili upang una sa lahat ay maging masunurin sa Kanyang Kalooban. (Itutuloy)