Ni: Vhal Divinagracia
POSIBLENG pahihintulutan na ang pag-dine in sa mga restaurant sa mga lugar na nasa ilalim ng General Community Quarantine o GCQ ayon kay Department of Trade and Industry Secretary Ramon Lopez.
Ani Lopez, nilalakad na umano ng ahensya ang kanilang proposal sa Inter Agency Task Force patungkol sa nasabing paksa at inaasahan naman nila na sa loob ng dalawang linggo ay maaaprubahan na ito.
Kahit 30% nalang muna ayon kay Lopez bilang pasimula ang pahihintulutan na mag dine-in sa loob ng mga restaurant.
Marami na rin ayon sa kalihim ang umaapelang mga restaurant owners sa kanilang ahensya na nagbabasakaling bigyan na sila ulit ng pahintulot para muling mag-operate.