NI: JAO GREGORIO
NAGPAHAYAG ng kaniyang pagkadismiya si Senator Sonny Angara sa Department of Health.
Ito ay kasunod ng mga balitang maraming health workers ang namatay sa pakikipaglaban sa COVID-19 ang hindi man lang nabigyan ng tulong ng ahensiya.
Nakasaad kasi sa Bayanihan to Heal as One Act o ang Republic Act 11469 na dapat mabigyan ang lahat ng health frontliners ng compensation na P1 million sakaling pumanaw man ito sa kahit anong kadahilanan sa panahon ng COVID-19 crisis.
Ngunit ni isa ani Angara ay walang naabutan ng tulong ang DOH dahil sa kapabayaan nitong bumuo ng Implementing Rules and Regulations.
Dagdag pa ng senador na ilang buwan na ang lumipas ngunit walang naging hakbang ang ahensiya.
Aniya, maituturing na kriminal ang DOH sa malpractice na ito.