Ni Pat Fulo
PATULOY pa ring mag-operate ang Department of Justice (DOJ) online sa kabila ng pinaiiral na lockdown hanggang Hunyo a-29.
Magbubukas naman ang regular services ng kagawaran sa Lunes, Hunyo a-20.
Ayon kay DOJ Spokesperson Markk Perete, muling bubuksan ang E-Inquest Program ng ahensya kung saan ang mga inquest proceedings ay maaring i-file online.
Sa pamamagitan nito ang Filling of Affidavits, Submission of Pleadings and Important Hearings ay filed online.
Ang e-inquest ay sinimulang iimplementa nang isailalim ang Metro Manila sa Enhanced Community Quarantine (ECQ).
Kahapon sinimulan na ang complex lockdown at disinfection sa ahensya matapos magpositibo ang 5 empleyado nito sa COVID-19.