Ni Karen David
NAGBITIW na sa pwesto bilang Special Adviser to the National Task Force on COVID-19 si Dr. Tony Leachon.
Sa Twitter post ni Leachon, inanunsyo nito na epektibo ngayong araw ang kanyang pagbibitiw.
Sa kabila nito, sinabi ni Leachon na buo ang kanyang respeto kay COVID-19 Policy Chief Implementer Secretary Carlito Galvez at mananatili aniya ang kanilang pagkakaibigan.
Marami rin aniya siyang magagandang alaala dito pero kailangan na aniyang mag move-on.
Kamakailan lang nang magpahayag ng pagkadismaya ang dating Director ng Philippine Health Insurance Corporation sa patuloy na paglalabas ng Department of Health ng delayed na data tungkol sa mga kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.