Ni Melrose Manuel
HINDI na makatatanggap ng pangalawang bugso ng Social Amelioration Program (SAP) ang mga empleyado ng maliliit na negosyo sa pitong rehiyon.
Kasama rito ang mga benepisyaryo ng Department of Labor and Employment sa cash assistance sa Regions IV-B, V, VIII, IX, at XII, Cordillera Administrative Region (CAR) at sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Ayon kay Pangulong Rodrigo R. Duterte, hindi na kailangan bigyan ng cash aid ang mga nasabing empleyado dahil katumbas na ng subsidiya ng DOLE ang matatanggap ng mga ito na aabot sa P5,000.
Sa ilalim ng guidelines ng Small Business Wage Subsidy Program, makatatanggap din ang mga benepisyaryo ng DOLE ng COVID-19 Adjustment Measures Program (CAMP) ng second tranche ng ayuda, kung saan ay bawas na dito ang P5,000 na una nang naipamahagi.