NI: VHAL DIVINAGRACIA
POSIBLENG ipatupad ang face-to-face classes sa mga malalayong lugar sa bansa ayon sa inihayag ng Department of Education o DepEd kasunod ng pagsisimula ng enrollment ngayong araw at pagbabalik-eskwela ng mga mag-aaral sa huling linggo ng Agosto.
Ayon kay DepEd Undersecretary Diosdado San Antonio, ang naturang hakbang ay upang tugunan ang problema ng mga mag-aaral na walang kakayahan para sa online classes.
Sinabi rin ni Antonio na mas ligtas naman mula sa COVID-19 ang maraming lugar sa bansa lalo na ang mga nasa liblib na barangay,
maaari rin aniyang gumamit ng mga printed modules ang mga guro ngayong taon at iisa-isahin na bibisitahin ang mga estudyante sa kanilang mga lugar.
Gayunman, sinabi ni Antonio na susunod pa rin ang DepEd sa health protocols na ipinatutupad ng pamahalaan laban sa COVID-19 sakaling payagan ang face-to-face classes.