Ni: Vhal Divinagracia
COVID-free na ang Filipino community sa Hong Kong ayon sa Department of Foreign Affairs o DFA.
Sa isang post ni DFA Undersecretary Dodo Dulay sa social media, sinabi nito na ang mga Pinoy na nagpositibo sa COVID-19 ay nagnegatibo na. Nakalabas na rin ang mga ito mula sa hospital.
Matatandaang naiulat ng DFA noong June 01 na nakapagtala sila ng halos 5,300 na mga COVID-19 confirmed cases ng mga OFWs.