Ni Vhal Divinagracia
MUKHANG mananatili ang Metro Manila sa General Communty Quarantine o GCQ.
Batay ito sa pagtataya ng Department of the Interior and Local Government o DILG.
Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, nagpapatuloy pa rin kasi ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa buong rehiyon.
Nilinaw naman ni Año na opinyon nya lang ito at si Pangulong Rodrigo R. Duterte parin ang magsasapinal patungkol dito.
Sa ngayon, pinag-aaralan na aniya ng Inter Agency Task Force ang sitwasyon ng Metro Manila at kinukuha narin ang mga rekomendasyon ng mga LGUs.
Bukod sa Metro Manila ay pinag-aaralan na rin ang sitwasyon ng Regions II, III, IV-a at Cebu City.