Ni Melrose Manuel
HALOS limangdaang indibidwal na sangkot sa profiteering at face masks scam ang nahuli sa kasagsagan ng lockdown sa bansa.
Ayon kay Department of Trade and Industry (DTI) Sec. Ramon Lopez, nahuli ang mga indibidwal sa binuong composite team na kinabibilangan ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG).
Ilan aniya sa mga kaso na nagbayad na ang bumili ng produkto online pero hindi naibigay ang binili.
Matatandaan na nagbabala si Pangulong Rodrigo R. Duterte laban sa pagbili ng mga face mask sa online dahil marami ang manloloko.
Sinabi pa ni Lopez na naging laganap ang profiteering at hoarding sa kasagsagan ng lockdown.