Ni Justine Nazario
NAKATANGGAP ng papuri ang actress-animal welfare advocate na si Heart Evangelista matapos iligtas ang isang inabandonang aso.
Nakarating kay Heart ang pagmamaltrato mula sa isang netizen at agad niya namang inaksyunan.
Sa ngayon, nasa kamay na ng rescue group na PAWSsion Project ang aso na pinangalan ng aktres na Cloud.
Samantala, ang ginawang pagpapabaya sa hayop ay labag sa Section 6 ng R.A. 8485 o Animal Welfare Act.