Ni: Melrose Manuel
MAMIMIGAY ng mga tablets si Heart Evangelista sa mga estudyanteng nangangailangan nito kung sakaling magkakaroon ng online class.
Ito ay matapos mag-tweet si Heart sa kanyang twitter account na mamahagi siya ng tablet hanggang sa kanyang makakaya.
Bunsod ng quarantine at banta ng COVID-19 karamihan sa mga school ay nag-shift na online.
Gayunpaman, maraming mga nagrereklamo dahil sa kakulangan ng mga gadgets na gagamitin.
Samantala, para sa gustong mapabilang sa mabibigyan ng tablet maari lamang mag-iwan ng mensahe sa aktres sa kanyang Instagram account.