Ni: Melrose Manuel
NAPAKAHINA at napakahinhin ang Human Security Act sa bansa laban sa mga terorista ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque sa pagpasa sa kontrobersyal na Anti-Terrorism Law.
Ayon kay Roque, hindi nagagamit ang Human Security Act sa mga Abu Sayyaf na kamakailan lamang ay may pinatay sa pinaka karumal-dumal na paraan.
Ang Marawi siege rin aniya ang naging basehan ni Pangulong Rodrigo R. Duterte kaya niya ito senertipikahang urgent kung saan nakabase ang nasabing batas sa ipinatutupad na kaparehong batas sa Inglatera, Australia at Amerika.
Nilinaw din ng kalihim na hindi saklaw ng anti-terrorismo ang mga kritiko ng administrasyon at mga aktibista o ang pagpapahayag ng opinyon o saloobin.
Naniniwala naman si Roque na alam ng Kongreso at Senado ang kanilang ginagawa.