Ni Vic Tahud
INIHAYAG ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na huwag na lang magsisihan ang mga opisyal ng bansa sa laban kontra COVID-19.
Ito ang isa sa mensaheng pinarating ni Pangulong Duterte sa kanyang pakikipagpulong kagabi kasama ang mga cabinet member.
Isinaad din ni Pangulong Duterte na upang maiwasan ang sisihan sa mga opisyal ng lokal na pamahalaan ng Cebu, ipapadala ni Duterte si General Roy Cimatu upang pangunahan ang sitwasyon doon.
Kasabay nito, nanawagan naman si Pangulong Duterte sa Department of Health, Department of Interior and Local Government at National Task Force upang suportahan si Sec. Cimatu.
Samantala, maghahanap din si Pangulong Duterte ng emergency operation center sa Cebu para sa paglaban kontra COVID-19.