Ni Pat Fulo
NAGSAMA-SAMA ang ilang celebrities, social media creators at influencers sa isang video greetings upang makalikom ng pondo para sa COVID-19 relief funds.
Hindi maikakaila na maraming international social media creators ang sumusuporta sa Pilipinas at sumali sa pagbibigay ng video greeting para sa mga apektado ng COVID-19 pandemic.
Kabilang dito ang sikat na vlogger na si Dwaine Woolley na isinilang sa Australia at nagdesisyong lumipat sa Pilipinas noong 2015.
Maging si Dr. Adam Smith na mas kilala bilang Doc Adam dahil sa kanyang mga tagalog vlogs patungkol sa kalusugan ng mga Pilipino.
Kasama na dito ang European-Filipina YouTube vlogger na si Rachel Ashley, Dan Alexandrov ay ilan lamang sa mga celebrities at YouTube – creators na nagpaabot ng tulong upang masuportahan ang Pilipinas sa COVID-19 relief funds.