Ni Ana Paula A. Canua
NATURAL lamang sa matatanda ang ang pagkakaroon ng arthritis o yung pamamaga ng joints. Ilan sa mga pangkaraniwang uri nito ay ang rheumatoid arthritis, osteoarthritis, at gouty arthritis.
Para hindi lumala ang arthritis, magandang malaman na may mga pagkaing epektibo at makakatulong para hindi lumala ang iniindang sakit sa tuhod at kasu-kasukasuan.
Ayon sa The Arthritis Foundation, ang pagkakaroon ng colorful diet o pagkain ng hanggang siyam na iba’t ibang uri ng prutas at gulay araw-araw ay makakatulong nang maigi. Narito ang ilang gulay para iwas arthritis.
– Dried beans, peas, sweet potatoes, red cabbage, pumpkin, squash, carrots, horseradish, beets, soy beans at sesame seeds.
– Ang luntiang gulay gaya ng broccoli, spinach na mayaman sa antioxidants, calcium at vitamins A, C at K na nakakatulong para mapalakas ang inyong joint cells.
– Prutas gaya ng blueberries, cherries, raspberries, pakwan, kamatis, saging, oranges at dalandan.
- Isama sa inyong diet ang whole inflammatory grains gaya ng barley, oatmeal, brown rice, buckwheat at flax seed meal. Ang mga nabanggit na whole grains ay nagtataglay ng mababang level ng C-reactive proteins (CRP), ibig sabihin mas napapababa nito ang tyansa na mamaga ang inyong joints.
- Mga pagkaing mayaman sa protina gaya ng salmon, herring tuna, sardinas, anchovies at scallops.
- Gawing meryenda ang sindami ng palad ng iba’t ibang uri ng nuts gaya ng mani, walnuts, almonds, pistachio at pine nuts.
- Ugaliin ang pag-inom ng tubig araw-araw. Para sa average adult women nasa 2.2 liters ang dapat inumin, at nasa 3 liters naman para sa kalalakihan. Makabubuti rin ang pag-inom ng isang basong tubig at room temperature na 30 minuto bago kumain. Makakatulong ito sa digestion. Ang pag-inom din ng tubig ay mahalaga sa pag lubricate ng joints.
- Uminom ng tsaa, gaya ng green, white, oolong teas na mayaman sa polyphenols na pampalakas ng immune system at nakakabawas ng pamamaga dahil sa taglay nitong EGCG na dumedepensa sa Interleukin-1 cell na isang pro-inflammatory cell.
- Maaari rin dagdagan ang anti-inflammory spices sa inyong pagkain gaya ng luya. Maari rin uminom ng ginger at turmeric tea. Ang turmeric lotion na gawa sa luyang dilaw ay maigi ring pang massage sa masasakit na kasukasuan.
- Iwasan ang sobrang pagkain ng dairy foods, mais, karne, wheat, citrus fruits, itlog, sobrang pag-inom ng kape, ibang uri ng mani bukod sa mga nabanggit, patatas, talong, labis na paminta, paprika at kamatis. Iwasan rin ang mataas sa saturated fats at trans fats gaya ng cheese, butter, processed foods, cookies, french fries at donuts.