Ni Melrose Manuel
NAG-DONATE ang aktres na si Iza Calzado ng kanyang plasma sa Philippine General Hospital matapos gumaling sa coronavirus disease 2019.
Masaya itong inanunsyu ng aktres sa kanyang Instagram kasabay ng pagdiriwang ng Independence Day.
Mahalaga rin ang Hunyo a-dose sa aktres dahil araw ito ng kapanganakan ng kanyang pinakamamahal na ina.
Sinabi pa ng aktres na bahagi ito ng kanyang pagtulong sa mga lumalaban sa sakit bilang isang COVID-19 survivor.
Matatandaan na tinamaan ng COVID-19 si Iza noong Marso.