Ni Vhal Divinagracia
BUKAS ang mga jeepney drivers sa suhestiyon ng pamahalaan na magiging manpower ng delivery services.
Kinumpirma ito ni Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines o FEJODAP President Zenny Maranan sa panayam ng Sonshine Radio.
Sa pamamagitan ani Maranan ng paraang ito, maiiligtas ang sitwasyon ng mga jeepney drivers.
Subalit pinaabot naman nito ang concern kaugnay sa mga jeepney operators.
Hiling ni Maranan na sanay mabigyan din ng solusyon ang pangkabuhayan ng mga jeepney operators.