Ni Karen David
NADAGDAGAN pa ng dalawampu’t tatlo ang bilang ng mga Pilipino na nagpositibo sa COVID-19 sa ibang bansa.
Sa pinakahuling datos ng Department of Foreign Affairs (DFA), kabuuang walong libo, tatlongdaan at dalawampu’t apat na ang mga tinamaang overseas Filipino ng COVID-19.
Sa nasabing bilang, dalawang libo, pitongdaan at limampu’t siyam ang patuloy na nagpapagamot.
Nasa dalawa naman ang nadagdag sa mga gumaling dahilan para umabot na ito sa limang libo at limampu’t pito habang dalawa rin ang nadagdag sa mga nasawi para umabot na ang death toll sa limangdaan at walo.