Ni Melrose Manuel
MULING nakapagtala ng animnaraan animnapu’t isa na panibagong kaso ng coronavirus disease 2019 sa bansa.
Sa pinakahuling datos ng Department of Health ngayong hapon, nakapagtala ito ng apatnaraan at animnapu na fresh cases at dalawang daan at isa naman ang late cases.
Sa ngayon tumaas pa sa dalawampu’t walong libo, apatnaraan at limampu’t siyam ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa buong bansa.
Tumaas din ang bilang ng mga nakarekober na nasa pitong libo, tatlongdaan at pitumpu’t walo habang nasa isang libo, isangdaan at tatlumpu ang bilang naman ng mga nasawi sa bansa.