Ni Karen David
TUTUTUKAN na rin ng National Task Force Against COVID-19 (NTF) ang biglang pagdami ng kaso ng COVID-19 sa Leyte.
Ayon kay Interior Secretary Eduardo Año, Vice-Chair ng NTF, bibisita sila ni NTF Chief Implementer Carlito Galvez Jr. sa Leyte para tingnan ang aktwal na sitwasyon doon.
Tutulong din aniya sila ni Galvez para mapigilan ang pagtaas ng COVID-19 cases sa probinsya.
Sinabi ni Año na ang pagtaas ng kaso sa Leyte ay dahil sa umano’y pagdating ng mga locally stranded individuals at overseas Filipino workers doon.