Ni: Melrose Manuel
HINDI irereklamo ng aktor na si Ken Chan ang driver ng nakabunggo sa kanyang minamanehong sports utility vehicle (SUV) kahapon.
Nabundol ang SUV ni Ken ng isang L300 van sa likurang bahagi ng Mitsubishi Montero.
Naganap ang insidente sa Timog Avenue, kanto ng Panay Avenue, Quezon City.
Wala namang tinamong sugat ang aktor pero sugatan ang driver at ang sakay na pahinante ng van.
Gayunpaman, kahit na ganoon ang nangyari ay hindi nagalit si Ken sa katunayan ay nag-aalala pa ito sa kalagayan ng driver at sinabing magtratrabaho pa yung tao.